DA REGION 1, NAGBABALA LABAN SA MGA GUMAGAMIT NG PANGALAN NG OPISYAL NITO PARA MAMBUDOL

Nagbabala ang Department of Agriculture – Regional Field Office I (DA-RFO I) sa publiko laban sa mga indibidwal na gumagamit ng pangalan ni Regional Technical Director for Operations Engr. Dennis I. Tactac upang mambudol o humingi ng cash assistance.

Nagbabala ang tanggapan na huwag makipag-transaksyon o magbigay ng anumang bayad sa sinumang nag-aangking kinatawan ng tanggapan o ng kanilang opisyal para sa pagkolekta ng pera, solicitation, o anumang kahalintulad na gawain.

Ayon sa tanggapan, hindi sangkot ang Department of Agriculture at ang mga opisyal at empleyado nito sa anumang anyo ng cash solicitation o koleksyon para sa proyekto, serbisyo, o processing ng requests.

Ang ganitong aktibidad ay labag sa batas at hindi awtorisado.

Hinikayat rin ang publiko na maging mapagbantay at beripikahin ang anumang transaksyon sa pamamagitan lamang ng opisyal na DA offices.

Ang mga nabiktima o nakatanggap ng ganitong modus ay inaanyayahan na agad i-report sa pinakamalapit na police station at ipagbigay-alam sa DA-RFO I para sa karampatang aksyon.

Ipinaalala ng DA-RFO I na para sa opisyal na impormasyon at transaksyon, makipag-ugnayan lamang sa awtorisadong tanggapan at opisyal na communication channels.

Facebook Comments