Sinabi ni DA Regional Director Narciso Edillo, mula sa 103 clusters sa ilalim ng swine repopulation program,gagamitin ang 556.5 million pesos rito.
Inilaan naman ang 171 million pesos para sa sentineling program sa mga backyard raisers sa Lambak ng Cagayan.
Target namang matapos ang sentineling sa unang semestre ng taong 2022.
Mismong si DA Sec. William Dar na rin ang nagbigay ng lugar kung saan isasagawa ang clustering sa limang probinsya at siyam (9) na distrito sa Lambak ng Cagayan sa ilalim ng General Appropriations Act Swine Repopulation, Rehabilitation and Recovery Program (GAAR 3).
Samantala, tatanggap ng tig- 5.5 milyong piso ang mga Farmer Cooperative Associations (FCAs) at Agrarian Reform Beneficiaries Farmers Associations, Indigenous Peoples Organization sa mga ASF certified free areas na sumusunod sa biosecurity measures.
Nilinaw ng Kagawaran na ang mga FCAs ay dapat nakarehistro sa DOLE, SEC, CDA at RSBSA para sa nasabing tulong.