DA Region 2, Pinawi ang Pangamba ng Publiko African Swine Fever!

*Cauayan City – *Isabela-Pinawi ni Department of Agriculture Regional Director Narciso Edillo ang pangamba ng publiko sa pagbili at pagkain ng baboy kaugnay sa isyu ng African Swine Fever sa buong lambak ng Cagayan.

Una rito, ipinaliwanag ni Director Edillo na mahigpit ang mga inilatag na chekpoint sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon upang maiwasan ang pagpasok ng mga karne ng baboy mula sa labas ng rehiyon dos.

Ayon pa kay Director Edillo, ilan sa mga sintomas ng pagkakaroon ng ASF ng isang alagang baboy ay ang matinding pagdurugo na pwedeng mauwi sa mabilis na pagkamatay nito sa loob lamang ng 2-10 araw at pantal-pantal sa balat ng baboy.


Sakaling makaranas ng ganito ang isang alagang baboy, hinihikayat ng Director na ipagbigay alam sa pinakamalapit na tanggapan ng agriculture at veterinary office upang maaksyunan agad. Inihayag pa nito na mataas ang tsansa ng pagkakaroon ng sakit ng baboy ay ang pagpapakain ng tira-tira.

Binigyang diin pa ni RD Edillo na mataas ang tsansa ng sakit na ASF sa mga frozen meat na kalimitang binibili ng mga negosyante bilang mabilis na alternatibo sa pagluluto at bukod sa murang halaga.

Kaugnay nito, tatlong probinsya na ang nagdeklara ng pagbabawal sa mga kumpanyang nagpapasok ng frozen meat mula sa labas ng rehiyon na kinabibilangan ng Probinsya ng Batanes, Quirino at Nueva Vizcaya.

Facebook Comments