DA RFO 2, NAMAHAGI NG 60 SENTINEL PIGLETS SA CABATUAN, ISABELA

Namahagi ng 60 sentinel piglets ang Department of Agriculture Regional Field Office 2 (DA RFO 2) sa 16 barangays in Cabatuan, Isabela ngayong araw, Agosto 25, 2022.

Ang aktibidad ay para sa repopulasyon ng mga baboy matapos tumama ang sakit na African Swine Fever (ASF) sa mga alagang hayop.

Ayon kay Executive Director Narciso A. Edillo na pinagunahan ang pamamahagi ng mga sentinels piglet samga hog raisers, sinigurado muna nilang ASF-free na ang lugar bago gawin ang repopulasyon.

Bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng tig-isang sentinel piglets, tatlong sakong ng starter, grower, at finisher na feeds kasama ang biologics.

Kaugnay nito, hinikayat naman ni Cabatuan Mayor Bernardo A. Garcia Jr. ang mga benipisyaryo na gawin ang biosecurity measures upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na ASF sa mga alagang baboy.

Sinabi na Executive Director Edillo, na sa ilalim ng Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion (INSPIRE), may walong Farmers Cooperatives and Associations (FCAs) ang karapat-dapat sa 5.5 milyong grant para sa swine repopulation sa Cagayan Valley.

Noong nakaraang taon, libu-libong sentinel piglets ang naipamahagi sa mga probinsya ng Cagayan, Nueva Vizcaya, Isabela, and Quirino na itinuturing na pink zones.

Facebook Comments