Pinangunahan ng Department of Agriculture RO2 ang inisyal na pamamahagi ng mga alagang baboy at feeds sa mga benepisyaryo ng Balik Probinsya, Bagong Pag-asa (BP2) program.
Ayon sa DA, ang nasabing programa ay tulong pangkabuhayan para sa mga pilipinong piniling umuwi ng probinsya dahil sa pandemya.
Ang mga unang benepisyaryo ay nakatanggap ng tig-apat (4) na alagang baboy habang dalawang (2) baboy naman ang natanggap ng iba.
Matatandaang naantala ang pamamahagi ng mga alagang baboy dahil sa kakulangan ng suplay nito ng dahil sa paglaganap ng African Swine Fever na siyang nakaapekto ng lubha sa mga hog raisers sa rehiyon.
Ang BP2 farmers’ association naman na kinabibilangan ng mga benepisyaryo ay makakatanggap din ng housing with digester at water system na magagamit ng kanilang asosasyon sa pag-aalaga ng baboy upang pagkakitaan.
Layunin ng BP2 na maghatid ng bagong pag-asa sa pamamagitan ng tulong pinansyal, pangkabuhayan, pabahay, at paglikha ng iba’t-ibang oportunidad na magiging kaagapay ng mga benepisyaryo sa kanilang bagong simula sa probinsya.