Ito ay makaraang bumisita ang kalihim sa lalawigan upang pangunahan ang Onion Field Day.
Ayon kay Dar, ang farm-to-market road ay isinasagawa sa konstruksyon dahil kailangan umano ng industriya ang suporta sa pagbibigay ng quality infrastructure support para sa magsasaka.
Umpisa pa lang aniya ito dahil palalawakin pa ang high-value crops industry kasama ang citrus.
May haba na 12.07-kilometer ang FMR na kayang sakupin ang 1,850 hectares na taniman na mas mapapabilis sa pagbiyahe ng mga agricultural products at inputs sa lugar.
Mababawasan rin nito ang oras ng pagbiyahe lalo na sa wet season, kung saan hamon para sa magsasaka ang pagbiyahe.
Ayon naman kay Kasibu Mayor Romeo Tayaban, ang ikakalago ng industriya ay tulong mula sa national government.
Giit ng alkalde, wala nang rason para mahikayat ang iba pang mga magsasaka sa pagtatanim ng citrus dahil sa infrastructure support.