Tiniyak ni Agriculture Secretary William Dar na kailangan pa ring ipagpatuloy ang serbisyo at maghatid ng mga interbensyon hanggang sa huling oras ng kaniyang termino.
Ito ang mensahe ng kalihim sa kaniyang pagharap sa mga empleyado.
Bilang Pilipino, kailangan aniyang magkaisa at suportahan ang sinomang nanalo sa hahalan.
Pinasalamatan ni Dar ang lahat ng pagsusumikap ng mga empleyado ng Department of Agriculture (DA) sa pagbibigay ng tapat na pamamahala sa bansa, lalo na sa mga magsasaka at mangingisda.
Binigyang-diin pa ng kalihim na panahon na para paigtingin ang pagpapatupad ng Plant, Plant, Plant part 2 upang matugunan ang compendium issue na nakakaapekto sa industriya.
Kabilang ang mga hamon ng COVID-19 pandemic, ang epekto ng krisis sa Ukraine, at pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Mayroon na umanong plataporma at programa ang DA para sa nasabing crisis situation.