DA, sinagot ang SINAG sa umano’y unsanitary na pagbabagsak ng frozen meat products sa mga palengke

Mahigpit na ipinagbabawal ng Department of Agriculture (DA) ang pagbebenta ng frozen meat sa mga pampublikong palengke kung walang maayos na refrigeration facilities.

Ginawa ng DA ang pahayag bilang tugon sa pangamba ng Agricultural Group Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa unsanitary na pagbabagsak ng frozen meat sa mga public wet market.

Sa isang statement, sinabi ng DA na delikado sa kalusugan ang hindi maingat na storage at pagtunaw sa mga frozen meat product.


Payo ng DA sa publiko, huwag bilhin ang mga frozen meat kung hindi ito nakalagay sa mga chiller o freezer.

Tiniyak ng ahensya na nag-iikot ang National Meat Inspection Service para siguraduhing maayos ang pagpapatupad ng kalinisan at pag-iingat sa binibiling karne ng mga consumer.

Facebook Comments