Nagsasagawa ng damage assessment ang Department of Agriculture (DA) sa mga lugar na hinagupit ni bagyong Tisoy upang malaman ang kabuuang halaga ng pinsala nito sa mga pananim at kabuhayan ng mga magsasaka.
Nag-deploy ng mga team ang DA sa Regions 1, 2, 3, 4-A, 4-B, 5, 6, 7 at 8 para alamin ang pinsala ng bagyo sa agri-fishery sector.
Batay sa datos ng DA, abot sa 218,938 ektarya na pananim na palay at 25,915 ektarya ng pananim na mais na nasa reproductive at maturing stage ang pinangangambahang binaha o pinadapa ng bagyo.
Dahil dito, inihahanda na ng DA ang mga sumusunod na ayuda.
P250 million na Quick Response Fund para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar.
Distribusyon ng 104,984 bags ng rice seeds; 10,811 bags ng corn seeds, at 2,179 kgs ng binhi ng gulay para sa mga nabanggit na rehiyon.
Kabilang na dito ang P65 million na Survival Recovery (SURE) Program na pautang sa ilalim ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC).
Ito ay maliban sa available funds mula ss Philippine Crop Insurance Corporation para sa may napinsalang pananim.