Minimum salary ng mga private school teachers, pinatataasan

337

Manila, Philippines – Isinusulong ni ACT Teachers Rep. France Castro na taasan ang minimum na sahod ng mga private school teachers.


Sa House Bill 5166 na inihain ni Castro, pinatataasan sa P30,000 ang minimum salary ng mga guro na nasa private schools.

Giit ni Castro, ang mga private school teachers na nakatalaga sa basic education at lalo na ang mga nasa labas ng NCR ay nakakaranas ng mababang sweldo at benepisyo.

May mga ulat na nakakatanggap lamang ang marami sa mga private school teachers ng sahod na P3,000 hanggang P6,000 kada buwan.

Hindi rin aniya dapat nakadepende ang laki ng sahod ng mga private school teachers sa tuition fee increases.

Ipinunto pa ng kongresista na malaki ang maitutulong ng dagdag na sahod sa mga pribadong guro para maitaas ang kanilang moral at makahikayat pa ng mas maraming magtuturo.

Makakatulong din ito para maitaas ang reading comprehension ng mga kabataang Pilipino lalo na at nakakuha ng pinakamababang score ang bansa mula sa 79 participating countries sa 2018 Programme for International Student Assessment (PISA).




Facebook Comments