Para matiyak na may mura at matatag na tustos ng pagkain sa gitna ng pandemya, inilalatag ng Department of Agriculture (DA) ang isang Agro-Fishery Livelihood na may layong makapagparami ng mga isda, native chicken, pugo, kambing at iba pang patabaing hayop para sa meat consumption.
Ayon kay Agriculture secretary William Dar, maliban sa proyektong gulayan o urban gardening, dapat masiguro na may cattle feedlot fattening na puwedeng mapakinabangan ng mga consumer sa maikling panahon.
Ani Dar, dito na kakailanganin ang stimulus fund na inihihirit ng DA sa Kongreso upang mapondohan ang mga food generating programs ng ahensya.
Dagdag ng kalihim, malaki ang papel ng mga lokal na pamahalaan sa proyekto.
Maaari kasing gamitin ang mga malilikhang agro-fishery products bilang bahagi ng food packs para sa relief distribution.
Sa ngayon ay mayroon nang 442 Local Government Units (LGUs) ang direktang namimili ng tone-tondelang agri-fishery products na nagkakahalaga ng P2.6 bilyon mula sa magsasaka at mangingisda.