DA, tiniyak ang mura at sapat na suplay ng pagkain kasunod ng pagbagal ng inflation rate noong Agosto

Kasunod ng pagbagal ng inflation rate sa buwan ng Agosto, tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na magdodoble-kayod ito upang tuloy-tuloy na manatiling mura at sapat ang suplay ng pagkain sa gitna ng pandemya.

Ayon sa economic managers, nakatulong sa pagbaba ng antas ng implasyon ang matatag na presyo ng basic commodities.

Sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na patunay ito na epektibo ang ‘whole of nation approach’ sa pagharap sa food security ng bansa.


Pag-iibayuhin pa aniya ng DA ang partnerships sa mga Local Government Units, Farmers’ Cooperatives and Associations, private sector at major agri-fishery industry players

Palalakasin din ng ahensya ang mga interbensyon sa mga sektor sa agrikultura.

Facebook Comments