Tinitiyak ng Department of Agriculture (DA) ang sapat na suplay ng pagkain para sa National Capital Region (NCR) at iba pang lugar sa bansa sa panahon ng General Community Quarantine (GCQ) at Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Inatasan na ni Agriculture Secretary William Dar ang mga DA regional field offices na madaliin ang pag-transport at delivery ng food at Agri-Fishery Commodities sa mga pamilihan sa Metro Manila at iba pang lugar.
Sa pamamagitan din aniya ng Agribusiness and Marketing Assistance Service magpapatuloy ang pag-operate ng “Kadiwa” stalls sa tulong ng mga Local Government Unit (LGU) at private sector sa mga piling lugar.
Hinihimok din ni Dar ang private sector na pangunahan ang paglalagay ng community pantries sa komunidad.
May koordinasyon na ang DA sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) para sa maayos na pag-transport at delivery ng mga produkto patungo sa mga pamilihan.