Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na hindi gaanong apektado ang produksyon ng agrikultura sa Negros Island sa kabilang ng pagputok ng Bulkang Kanlaon.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary at Spokesperson Arnel De Mesa, sa ngayon, ang prayoridad ng DA ay mailagay sa ligtas na lugar ang livestock o mga hayop na nasa paligid ng Bulkang Kanlaon.
Ani De Mesa, mayroon nang dalawang animal evacuation centers na binuksan sa Negros Oriental partikular sa Barangays Panubigan at Linothangan.
Patuloy rin ang pangangalap ng datos ng DA mula Regional Office 6 at 7 at kaugnay sa lawak ng pinsala partikular na sa mga high value crop at livestock.
Tiniyak naman ng DA ang tulong para sa mga apektadong magsasaka gaya ng pagbibigay ng binhi at ibang tulong mula sa Quick Response Fund ng ahensya.