DA, tiniyak na ligtas na kainin ang mga pork at pork products

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) at Department of Health (DOH) na ligtas kainin ng tao ang mga pork at pork products sa kabila ng pagpositibo sa African swine fever (ASF) ng 14 sa 20 blood samples na ipinadala  sa United Kingdom.

Ito ang ipinahayag nina Secretary William Dar at Health Secretary Francisco Duque matapos na makisalo sila sa isang boodle fight kung saan ang mga putahe ay karne ng baboy.

Ani Secretary Dar, kung dumaan naman sa tamang proseso ang pagkatay at preparasyon, walang dapat ikabahala ang publiko.


Aniya, siguraduhin lamang na may isyung certification ang mga baboy na nakasalang sa katayan.

Dapat din tiyakin na may tatak ng National Meat Inspection Service (NMIS) ang mga karne ng baboy na ibebenta sa palengke.

Ayon naman kay Secretary Duque, walang banta sa kalusugan ang ASF.

Kinakailangan lamang aniya na lutuing mabuti ang mga pork at pork products.

Facebook Comments