DA, tiniyak na may sapat na suplay ng pagkain ngayong mayroong 2-week ECQ

55

Hindi dapat maapektuhan ang galaw ng pagkain kahit muling magpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) simula sa susunod na linggo.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, hindi umano dapat maabala ang galaw ng pagkain, medisina at mga produktong agrikultural kahit mayroon muling paghihigpit sa galaw ng mga tao.


Pangangailangan aniya ito ng tao kung kayat dapat magkaroon ng special lane sa mga naghahatid ng food supplies.

Wala rin aniyang dapat ipag-alala ang publiko sa suplay ng frozen meat products sa kabila ng banta ng African Swine Fever (ASF).

Mayroon aniyang 200 thousand metric tons na minimum access volume para sa pag angkat ng imported meat products.

Facebook Comments