Passport applicants na naka-schedule sa panahon ng ECQ, tatanggapin pa rin sa DFA-Aseana Office sa Parañaque

106

Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tuloy ang pagproseso ng passport ng mga aplikante na naka-schedule sa panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) mula August 6 hanggang August 20, 2021.

Gayunman, ang lahat ng transaksyon kabilang na ang Apostille/Authentication Services ay ipo-proseso sa DFA-Passport Division sa Aseana Business Park in Parañaque City


Kabilang sa maseserbisyuhan sa DFA-Aseana Office ang may mga appointment sa nasabing petsa sa Consular Offices sa Ali Mall Cubao, SM Manila, SM Megamall, at Metro Gaisano Alabang.

Sa kabilang dako, ang DFA Consular Offices at Temporary Off-Site Passport Services (TOPS) sa NCR ay sarado mula August 6 hanggang 20, 2021.

Ang mga apektadong aplikante ay padadalhan ng email para sa kanilang bagong schedule.

Ang may mga emergency at urgent medical travel naman na nangangailangan agad makakuha ng passport ay pinapayuhan na mag-email ng request sa cl@dfa.gov.ph.



Facebook Comments