Nakahanda ang mga ayudang ibibigay ng Department of Agriculture (DA) sa mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng pagtama ng Bagyong Amang.
Abot sa higit 630,000 na ektarya ng palayan at maisan ang inaasahang nasira sa apat na rehiyon sa bansa.
Kabilang sa ipapamahagi ng DA ay mga binhi ng palay at mais, fingerlings at iba pang tulong para sa livestock at poultry sector.
Bukod rin sa Quick Response Fund ay siniguro ng DA na pagaganahin nito ang Survival and Recovery o Sure Assistance Program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC) para matulungang makarekober ang mga magsasaka na apektado ng Bagyong Amang.
Facebook Comments