Prison guards na inalis sa Bilibid, ililipat sa ibang prison at penal farms ng BuCor

Kinumpirma ng Bureau of Corrections (BuCor) na ililipat sa ibang prison at penal farms ng BuCor ang 700 prison guards na tinanggal sa maximum-security compound ng New Bilibid Prisons.

Sila ay isasailalim muna sa re-training bago i-deploy sa iba’t ibang bilangguan ng BuCor.

Una nang kinumpirma ni Justice Sec. Crispin Remulla na may basbas niya ang ginawang pagpapalit ni BuCor Chief Gregorio Catapang Jr., sa mga guwardiya sa maximum security compound ng Bilibid sa Muntinlupa.


Sinabi ni Remulla na layon nito na maiwasan ang masyadong pagiging pamilya ng jail guards sa mga bilanggo.

Facebook Comments