DA, tutulong na sa pag-asikaso ng financial assistance ng mga hog raiser na naapektuhan ng ASF

Tutulong na ang Department of Agriculture (DA) sa pag-aayos sa pamamahagi ng tulong pinansiyal sa hog raisers apektado ng nagpapatuloy na banta ng African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, hinihintay na lamang nila na i-release ng Department of Budget and Management (DBM) ang P461 million na financial assistance para sa mga hog raisers.

Samantala, inirekomenda naman ng Pork Producers Federation of the Philippines (ProPork) na iakyat sa P10,000 ang bayad sa kada isang baboy na mamamatay dahil sa ASF.


Tatagal nang isang taon ang state of calamity sa buong bansa na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes.

Facebook Comments