Kumpisyansa ang Department of Agriculture (DA) na makakamit ng Pilipinas ang target na produksiyon ng 20.4 million metric tons (MMT) ng palay kung hindi babagyuhin ang bansa ngayong taon.
Batay sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), umakyat ng 5.72% o 480,243 mt ang produksiyon ng palay mula nitong Enero hanggang Hunyo.
Mas mataas anila ito kumpara sa 8.38 MMT nitong 2020 na pinakamataas na naitala sa kasaysayan.
Facebook Comments