DA, umaksyon na sa pagsalakay ng rice black bug sa palayan sa isang barangay sa Mangatarem, Pangasinan

Umaksyon na ang Department of Agriculture (DA) upang mapuksa ang pamemeste ng rice bug sa Pangasinan.

Ekta-ektaryang pananim na palay sa isang barangay sa Mangatarem, Pangasinan ang inaatake ng rice black bug.

Sa virtual presser ng DA, sinabi ni Assistant Secretary Noel Reyes na nagbigay na sila ng technical briefing sa mga apektadong magsasaka sa gagawing aksyon.


Kapag huminto na aniya ang pag-ulan doon ay gagamit ng biological control agent na green muscardine fungus para mapigilang kumalat ang pamemeste ng rice bug.

Pangkaraniwang umaatake ang rice bug tuwing tag-ulan.

Sinisiyasat na ng DA ang lawak ng naapektuhan ng peste para pagkalooban ng technical at financial assistance ang mga magsasaka.

Facebook Comments