DA, umapela ng tulong sa United Nations para panatilihing bukas ang kalakalan sa mga produktong pang-agrikultura

Umaapela ang Department of Agriculture (DA) sa United Nations Food and Agriculture Organization (UN-FAO) na panatilihing bukas ang kalakalan sa mga produktong agrikultural sa gitna ng tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Ayon kay DA Sec. William Dar, nagpadala na sila ng liham kay FAO Director-General Qu Dongyu na hikayatin ang iba pang mga bansa na huwag hadlangan ang kalakalan ng mga pagkain.

Simula kasi aniya ng sumiklab ang kaguluhan sa Ukraine at Russia ay nakakaalarma na ang inflation rate at pandaigdigang food security.


Sinabi pa ni Dar na hangga’t hindi natitigil ang kaguluhan ay kukulangin ang suplay ng sa trigo at mantika o vegetable oil.

Dahil dito, umaasa ang maraming bansa, pati na rin ang Pilipinas, sa importasyon upang punan ang kakulangan sa pagkain.

Facebook Comments