DA, umapela sa mga LGUs na bilhin na rin ang mga farm products ng local farmers para sa distribution ng ‘food packs’ sa mga residente

Hinimok na rin ng Department of Agriculture (DA) sa kabila ng dumadaming pangangailangan para mamahagi ng food packs ang mga Local Government Unit (LGU) na bilhin ang mga Farm Products ng Local Farmers.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar bukod sa mga canned goods at processed products, maaari din nilang tangkilikin ang sariwang produkto.

Paliwanag pa ng kalihim, nabibigyan na ng sure market ang mga magsasaka, may idudulot pang kapaki-pakinabang na nutrisyon ang farm products  sa pagpapalakas ng Immune System ng tao  laban sa COVID-19.


Panahon na rin aniya ito para matulungan ang mga magsasaka na maibenta ang kanilang ani habang isinusulong ang Healthy Consumption sa mga mamamayan.

Nagsimula na ang mga LGUs sa buong bansa ng pamamahagi ng food packs para tulungan ang mga pamilyang hindi makalabas ng bahay dahil sa pinaiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Facebook Comments