Pinagpapaliwanag pa rin ng Malacañang si Department opf Agriculture (DA) Undersecretary Leocadio Sebastian at mga board member ng Sugar Regulatory Administration (SRA) matapos pirmahan ang resolusyon na importasyon ng 300,000 metric tons ng asukal.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa kabila na hindi awtorisado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Sebastian at mga board member ng SRA na pumirma sa resolusyon ay nais pa rin ng pangulo na marinig ang kanilang paliwanag.
Ayon kay Angeles naniniwala ang pangulo sa due process at nais niyang malaman bakit minadali ang pagpirma at nag-convene ang mga ito na walang alam ang pangulo.
Kapag napatunayan na may anomalya sa insidente masisibak sa pwesto ang mga nabanggit na opisyales.
Sa ngayon aniya under investigation na sina Sebastian at mga miyembro board ng SRA at inaasahang mahaharap sila sa preventive suspension habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.