DA, wala pang balak magpatupad ng bagong SRP ngayong MECQ

Walang nakikitang dahilan ang Department of Agriculture (DA) na magpatupad ng bagong suggested retail price ngayong ibinalik sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila at ilang lugar

Sa virtual presser sa DA, sinabi ni Undersecretary Ariel Cayanan na paiigtingin na lamang nila sa ngayon ang pag-preposition ng food supply sa Metro Manila.

Sa ngayon aniya, marami nang institutional buyers ang kanilang ka-partner para dalhin sa lebel ng barangay ang mga produktong pang-agrikultura.


Binigyang diin ni Cayanan na green zone o dapat ay tuloy- tuloy ang pagpasok ng agricultural products patungo sa mga MECQ areas.

Pinayuhan ni Cayanan ang mga traders na isumbong sa mga DA field offices sa mga probinsya ang sinumang mag-aabuso sa naghahatid ng mga farm products sa panahon ng MECQ.

Wala naman silang namomonitor na nagkakaroon ng panic buying dahil matatag ang suplay ng pagkain sa Metro Manila, Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal.

Facebook Comments