DA, wala pang naitatalang bagong strain ng ASF galing China sa bansa

Wala pang naitatalang kaso ng bagong strain ng African Swine Fever (ASF) galing China ang bansa.

Gayunman, sinabi ni outgoing Director Ronnie Domingo ng Bureau of Animal Industry (BAI) na dapat maghinay-hinay muna sa paggamit ng bakuna sa baboy na di-lisensyado.

Hindi aniya kakayanin ng Pilipinas kung makakapasok ang bagong ASF strain dahil hindi madaling ma-detect kung tinamaan nito ang mga baboy.


Aniya, mild infection lang o pananamlay ang palatandaan nito sa baboy at mabilis makahawa sa iba pang baboy.

Unang natuklasan ang bagong ASF strain sa ilang farm sa China matapos magturok ng hindi lisensyadong bakuna.

Payo ng BAI sa mga hog raisers, maging mapagbantay at dapat matukoy agad kung may ganitong tumamang sakit sa kanilang babuyan.

Ito’y upang maisalalim ang mga ito sa culling at mapigilan ang pagkalat.

Facebook Comments