Daan-daang Libong halaga ng Droga, Nakumpiska sa isang Binata sa Isabela

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang binata sa ikinasang drug buy-bust operation ng pinagsamang pwersa ng PDEA Isabela Provincial Office, PIU -PDEU Isabela PPO at Cabatuan Police Station dakong 4:05 ngayong hapon sa Brgy. Diamantina, Cabatuan, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Christian Rosete, 20-anyos at residente ng San Mateo, Isabela.

Base sa ulat ng pulisya, si Rosete ay itinuturing na High Value Target matapos mahuli sa aktong binentahan umano nito ng apat (4) na plastic cling wrapped na may lamang hinihinalang marijuana leaves ang PDEA agent na umakto bilang poseur buyer.


Nakumpiska sa pag-iingat ng suspek ang isang(1) yunit ng caliber 38 na walang serial number, apat (4) na live ammunation para sa caliber 38, isang (1) piraso ng ziplock transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang marijuana dried leaves, isang (1) color black motorcycle at cellphone.

Tumitimbang naman ng 5,000 grams ang nakumpiskang droga at nagkakahalaga umano ng P600,000.

Mahaharap si Rosete sa kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act at RA 10591.

Facebook Comments