Dalawang lalaki sa Las Piñas, arestado dahil sa pambubogbog

Hinuli ng mga tauhan ng Las Piñas City Police Station ang dalawang lalaki matapos bugbugin ang 37-anyos na lalaki sa isang subdivision sa Barangay Almanza Dos, Las Piñas City.

Kinilala ang mga naaresto na sina Marianito Manalo, 43-anyos at Ricky Relador, 34-anyos.

Habang ang kanilang binugbog ay kinilalang si Joseph Badana, 37-anyos.


Sa ulat ng Southern Police District (SPD), pinaghahampas daw ng mga suspek ang biktima ng golf metal stick driver dahilan para malugmok ito sa semento.

Agad namang nakatawag ng tulong para maawat sa pambubugbog sa biktima ang isang Jonalyn Sanchez, 21-anyos na nasa lugar nang mangyari ang insidente dahilan para maaresto ang mga suspek.

Sa ngayon, nahaharap na ang mga suspek sa kasong Serious Physical Injury.

Facebook Comments