DAAN DAANG MGA DEBOTO SA DAGUPAN CITY, NAKIISA SA PRUSISYON NG FEAST OF OUR LADY OF THE HOLY ROSARY OF MANAOAG

Daan daang mga deboto ng Simbahang Katoliko sa Dagupan City ang nakiisa sa prusisyon ng selebrasyon ng Feast of Our Lady of the Holy Rosary of Manaoag noong araw lamang ng Sabado, Oct. 7.
Sabay sabay naglakad at nilibot ng mga ito ang kahabaan ng Perez Blvd. – MH del Pilar – ABF Ave. pabalik ng St. John Cathedral bilang simbolo ng kanilang pananampalataya.
Bago pa ang nasabing prusisyon ay naghanda ang hanay ng POSO Dagupan upang maging maayos ang nasabing prusisyon at matugunan ang anumang problema sa kalsadahan.

Ilang mga Catholic believers naman ang narefresh umano sa nangyaring prusisyon at ikinatuwa na dinagsa ito ng kapwa ni mga debotong Katoliko. |ifmnews
Facebook Comments