Bataan – Nasabat ang daan-daang pakete ng sigarilyo sa ginawang pagsalakay ng mga operatiba ng CIDG Bataan sa Barangay Pag-Asa sa Orani, Bataan.
Sa ulat mula kay police chief insp. Reyson Bagain, CIDG Bataan provincial chief, sa bisa ng search warrant ay pinasok nila ang tahanan ni Ronald Lopez ng naturang barangay.
Nasabat ang 667 pakete ng ibat ibang brands ng sigarilyo, isang magnum caliber 22 na baril, at mga bala nito at gun holster.
Dinala ang mga nadakip sa CIDG Bataan Provincial Office at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa RA 10591 o illegal possession of firearms and ammunition at PD 1612 anti-fencing law.
Bagamat genuine ang mga sigarilyong nasabat ay wala umanong kaukulang dokumento na naipakita sa mga otoridad ang mga nadakip.
Sa bisa rin ng isang provincial ordinance ay ipinagbabawal na ang pagbebenta ng sigarilyo sa lahat ng mga tindahan sa buong lalawigan bukod pa sa ipinaiiral na anti-smoking law sa mga public places sa Bataan.