Monday, February 2, 2026

DAAN-DAANG PAKWAN, INIHAIN SA KAPISTAHAN NG BANI, PANGASINAN – IDOL TITA RONI

Mas naging makulay at masarap ang selebrasyon ng kapistahan sa bayan ng Bani, Pangasinan matapos ilatag at sabay-sabay na pagsaluhan ang daan-daang pakwan nitong Sabado.

Kilala ang Bani bilang “Watermelon Capital of the Philippines,” kaya naman tampok sa okasyon ang masaganang ani ng mga lokal na magsasaka.

Masayang ipinagmalaki ng pamahalaang lokal at ng mga residente ang kakaibang tamis at mataas na kalidad ng pakwan mula sa bayan, na patuloy na kinikilala sa iba’t ibang panig ng lalawigan.

Bilang bahagi ng taunang Pakwan Festival, isinagawa ang pakwan mass slicing at boodle fight, kung saan tinikman ng mga dumalo ang iba’t ibang uri ng pakwan.

Lalong naging kaaya-aya ang pagsasalo dahil sa mga malikhaing pakwan carvings na nagsilbing makukulay na centerpiece sa mga mesa.

Layunin ng taun-taong aktibidad na itampok ang kalidad ng lokal na produkto at bigyang-pugay ang mga magsasakang patuloy na nagbibigay-buhay sa kabuhayan ng bayan ng Bani.

Facebook Comments