Daan-daang pamilya sa Maynila, lumikas dahil sa Bagyong Kristine

Nasa daan-daang mga pamilya sa lungsod ng Maynila ang naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Kristine.

Sa Leonardo Fugoso Sports Complex sa Delpan, mahigit 140 na pamilya ng Purok 5 Barangay 20 ang lumikas.

Ayon sa barangay volunteer na si Anne David, karamihan sa mga lumikas ay pinasok ng tubig ang kanilang bahay habang ang iba ang tuluyang nawasak dahil sa malakas na buhos na ulan na may kasamang bugso ng hangin kahapon at kagabi.


Hanggang kaninang alas-6 ng umaga, patuloy ang ginagawang pagpaparehistro sa iba pang mga purok at mahaba na rin ang pila.

Sa kasalukuyan ay siksikan sa naturang covered court dahil sa dami ng mga lumikas.

Samantala, isang puno naman ang naputol ang malaking sanga sa bahagi ng P. Burgos malapit sa Intramuros.

May dumating na rin na mga tauhan ng city engineering office upang alisin ang bahagi ng puno na nakaapekto rin sa ilang wire.

Facebook Comments