Daan-daang pasahero ng international flights, naiwan ng eroplano dahil sa mahabang pila sa immigration counters sa NAIA 3

Daan-daang mga pasahero ng international flights ang hindi nakasakay ng eroplano dahil sa haba ng pila sa immigration counters sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 3.

Sa harap ito ng pagsusumikap ng airline companies na mabawasan ang backlog matapos ang naging aberya noong linggo sa air navigation system ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Sinasabing 18 immigration counters lamang mula sa 24 kabuuang counters ang bukas dahil sa maraming absent na immigration officers.


Nabatid na nag-Absent Without Leave (AWOL) ang ilang immigration officers sa kabila ng pinaiiral na “No Leave Policy” ni Immigration Commissioner Norman Tansingco.

Ipinag-utos na rin ni Tansingco ang imbestigasyon laban sa mga nag-AWOL na immigration officers.

Facebook Comments