Mga pasaherong naiwan ng flight matapos maipit sa mahabang pila sa immigration counters sa NAIA 3, bibigyan ng libreng rebooking

Tiniyak ng Cebu Pacific na bibigyan nila ng free booking ang mga pasahero nilang na-offload matapos maipit sa mahabang pila sa immigration counters sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 3.

Ayon kay Cebu Pacific Spokesperson Carmina Reyes Romero, buo rin na makukuha ng pasahero ang kanilang refund kapag hindi sila magpapa-rebook.

28 na mga pasahero ng CebuPac ang kasama sa daan-daang mga pasaherong hindi nakasakay ng flight patungo sa abroad.


Tiniyak naman ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na nagsasagawa na sila ng imbestigasyon laban sa mga nag-AWOL na immigration officers.

Facebook Comments