Inihayag ng pamunuan ng Philippine Coast Guard na umaabot na sa mahigit sa 200 pasahero ang stranded dahil sa epekto ng Bagyong Falcon.
Sa update na ibinigay ng Philippine Coast Guard, karamihan sa mga stranded na pasahero ay sa Parola Wharf sa Iloilo at Antique na uma.
Nasa 10 motorbancas sa naturang pantalan ang hindi pa maka-biyahe dahil sa masungit na panahon.
Mayroon ding na-stranded sa RJL Pier sa Antique, habang may dalawang sea vessels ang hindi naka-biyahe sa RJL Pier pa rin, at sa Lipata Port.
Ang lahat naman ng PCG units ay pinapaalalahan na mahigpit na ipatupad ang HPCG Memorandum Circular Number 02-13 o Guidelines on Movement of Vessels.
Patuloy ring nakamonitor ang PCG sa iba pang mga Pantalan, hanggang sa nararamdaman ang dalang sama ng panahon ng bagyong Falcon.