911 TESDA app ilulunsad

115

Ilulunsad ng Technical Education and Skills Development Authority ang “911 TESDA” app sa National Capital Region (NCR) sa Hulyo 18.

 

Ito ay karaniwang gumagana tulad ng Grab and Uber, ngunit sa halip na rides, sa App maaaring kumuha ng serbisyo ng mga nagtapos sa TESDA.


 

Ito ay bahagi ng employment objective ng gobyerno, at tulungan ang mga nais madagdagan ang kanilang  kita.

 

Mandato ng TESDA hindi lamang magbigay ng edukasyon  o pagsasanay, kundi tulungan ang mga graduates na humanap ng trabaho at livelihood opportunities.

 

Nilalayon din ng App na ito na gawing mas madali para sa publiko, o sa mga tao na nangangailangan ng serbisyo, upang makahanap ng mga manggagawa.

 

Pitong Digital Online Service Providers (DOSPs) ang nangakong  makikipagtulungan  sa TESDA-NCR para sa App.

 

Ayon sa  TESDA, sinabi ng mga DOSP ay mayroon  42,000 tao sa  NCR,  na mangangailangan ng serbisyo ng certified TESDA graduates.

 

Kabilang sa mga  in-demand na serbisyo ay ang  massage, carpentry, housekeeping, programming at call center.

 

Maaaring mag aplay ang TESDA graduates para maging accredited ng Digital Online Service Providers (DOSPs).

 

Sasalain ng DOSP ang mga mangagawa na kanilang ipadadala sa mga nangangailangan ng serbisyo.

 

Ito ay magbibigay sa mga graduates ng TESDA ng opsyon na magtrabaho sa DOSP, mapa full time man o part timer, depende  sa kanilang abilidad.

 

Nilinaw ng TESDA tanging mga graduates mula 2017 lamang  ang maaari makibahagi sa programa, dahil ito ang mga graduates na nasa online database system ng ahensya.

Facebook Comments