Daan-daang raliyista, nagkilos protesta kasabay ng paggunita ng Araw ng Paggawa

Daan-daang raliyista ang nagsagawa ng kilos protesta sa ibat ibang bahagi ng bansa kasabay ng paggunita ng Labor Day.

Sa Quezon City, daan-daang miyembro ng Bagong Alyansang Makabayan ang nagtungo sa Welcome Rotonda matapos silang hindi pinayagang makapasok sa Liwasang Bonifacio.

Giit ng mga ito sa pamahalaan, bigyan ng P10,000 ayuda na sasapat para sa lahat at P100-pesos na umento sa sahod.


Dahil sa dami ng mga nakilahok, kapansin-pansin na hindi na nasusunod ang social distancing habang nagdulot naman na ng matinding pagbigat sa daloy ng trapiko hanggang P. Tuazon street ang nasabing kilos protesta.

Samantala, nabigong makalapit sa US Embassy sa Maynila ang mga raliyesta matapos na agad na itaboy ng mga tauhan ng Manila Police District

Bago pa man makapaglatag ng kanilang mga streamers mula sa kanto ng Roxas Blvd. at Kalaw sa Maynila ay pinalayo na sila patungo sa Taft Avenue sa Plaza Salamanca kung saan sila naghiwa-hiwalay na rin sila.

Facebook Comments