Labor Day symbolic vaccination sa Metro Manila, umarangkada na!

23

Umarangkada na ang Labor Day symbolic vaccination kasabay ng Araw ng Paggawa ngayong Mayo A-uno.

Sa Maynila, umabot sa 1,200 na mga manggagawa ang sumasailalim sa pagbabakuna kontra COVID-19.


Ito ay mula sa kabuuang 5,000 na mga manggagawa na sumasailalim sa magkakasabay na pagbabakuna sa Maynila, Taguig at Quezon City

Kabilang naman sa sumaksi sa ceremonial vaccination sa Maynila sina Labor Secretary Silvestre Bello III, Trade Secretary Ramon Lopez, TESDA Sec. Isidro Lapeña, OWWA Administrator Hans Leo Cacdac at Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso.

Habang personal naman na sinaksihan ni Health Secretary Francisco Duque III ang symbolic vaccination ng essential workers na isinagawa sa Quezon City Hall.

Facebook Comments