Daan-daang residente, inilikas kasunod ng engkwentro ng militar at Maute Group sa Marawi City

Marawi City, Philippines – Daan-daang residente na ng Marawi City ang nagsilikas kasunod ng engkwentro sa pagitan ng tropa ng gobyerno at Maute Group kahapon.

Ayon kay Administrative Region on Muslim Mindanao (ARMM) Vice Governor Haroun Alrashid Lucman – kasalukuyang nananatili sa provincial capitol at sa Mindanao State University ang mga nagsilikas na residente.

Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan na rin aniya sila sa iba’t ibang tanggapan ng gobyerno sa lalawigan para matugunan ang pangangailangan ngayon ng kanilang mamamayan doon.


Pinayuhan din ni Lucman ang mga residente na manatili sa loob ng bahay at manatiling mapagmatiyag sa paligid.
DZXL558

Facebook Comments