Nasa 700 persons with disabilities (PWDs) mula sa bayan ng Umingan ang nakatanggap ng tulong pinansyal at iba pang uri ng tulong mula sa iba’t ibang ahensya ng pambansang pamahalaan kahapon ika-18 ng Abril, taong kasalukuyan .
Ang nabanggit na mga benepisyaryo ay binigyan ng tig-P3,000 na tulong pinansyal sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ang AICS ay nagsisilbing social safety net o stop-gap measure upang suportahan ang pagbangon ng mga indibidwal at pamilyang dumaranas ng mga hindi inaasahang pangyayari o krisis sa buhay at base ito sa sinabi ng ahensyang DSWD.
Sa isang panayam, sinabi ni Umingan Mayor Michael Carleone Cruz na ang mga benepisyaryo ay mga PWD na apektado ng pandemya.
Ayon sa alkalde, nagpapasalamat siya sa pambansang pamahalaan sa pagbibigay sa kanyang mga kababayan ng tulong pinansyal na ito, na magiging kapaki-pakinabang sa kanila.
Bukod sa tulong pinansyal mula sa DSWD, namahagi din ang Office of Senator Christopher Go ng face masks, vitamins, wheelchairs, canes, grocery items, sports equipment, sapatos, bikes, at cellphones, at iba pa.
Samantala, hinimok ni Go ang mga residente ng bayan na gamitin ang mga serbisyong iniaalok ng Malasakit Centers sa buong bansa kung saan mayroon nang 157 Malasakit Centers sa buong bansa.
Aniya, pinadali ng Malasakit Centers ang mga Pilipinong may krisis sa pera na humingi ng tulong pinansyal at medikal dahil ang Philippine Health Insurance Corporation, Philippine Charity Sweepstakes Office, Department of Health at Department of Social Welfare and Development ay pinagsama-sama.
Sinabi ni Go na walang kinakailangang kwalipikasyon para maka-avail ng mga serbisyo ng center, maliban na lamang na ang isa ay dapat na mamamayang Pilipino. |ifmnews
Facebook Comments