ONGOING NA AKTIBIDAD ALINSUNOD SA PAGDIRIWANG NG BANGUS FESTIVAL, NAGAGANAP; TUNOG NG KABATAAN FEATURING BEN&BEN, HANDOG PARA SA MGA DAGUPENO NGAYONG ARAW

Handog para sa mga kabataang DagupeƱo ngayong araw ng Lunes, April 18, 2023 ang kasalukuyang nagaganap na Tunog ng Kabataan featuring ang isa sa mga kilalang banda, ang Ben&Ben na tutugtog sa nasabing aktibidad.
Bahagi pa rin ng ito ng selebrasyon na Bangus Festival 2023 sa darating na April 30, 2023 tampok ang pangunahing produkto ng Dagupan City ā€“ ang bangus.
Alinsunod dito ang isa sa highlight ng Bangus Fest na Kalutan ed Dalan na kailan lamang ay inanusnsyong maaari ng reserved ng mga kalutan o grill. Nagkakahalaga ito ng P3,800 ang isang unit ng grill o tinatayang nasa isang metro, ang haba kung saan ang inclusion nito ay may kasamang 5 kilong fresh na bangus, uling, asin, plastic bags, tongs at marami pang ibang freebies na iihawin.
Kasabay ng pagdiriwang nito ay ang magaganap pang BIDA Fun Run, ang kampanya laban droga na pinangunahan ng DILG at magaganap yan sa oras na alas kwatro ng madaling araw sa De Venecia Extension at inaaasahang lalahukan ng nasa labing-dalawang libong o 12, 000 na mga kalahok.
Facebook Comments