Manila, Philippines – Dumagsa ang daan-daang katao sa Manila City Hall para suportahan ang resolusyon ng konseho ng lungsod na nanawagan sa pagpapatigil ng NLEX-SLEX connector road at ang PNR railway project na siyang magiging dahilan para mawalan ng tirahan ang daan-daang pamilya.
Layon ng City Council Resolution na himukin ang pamahalaang lungsod ng Maynila na gawin ang lahat ng kailangan legal na aksyon para sa kapakanan ng mga residente nito.
Ayon naman kay Sampaloc People’s Alliance Spokesman Dr. Emil Pineda, matagal na nilang dasal na mapakinggan ang kanilang hinaing kung saan umaabot aniya sa 112 barangay ang maapektuhan ng nasabing proyekto o katumbas ng 20,000 pamilya at mga kabuhayan nito ang mawawala.
Umaasa si Dr. Pineda na hindi isasangkalan ng pamahalaan ang kabuhayan at karapatan ng mga maliliit na residente ng Maynila para lang sa luho ng iilang negosyante.
Dahil ditto, hinamon ng grupo ang pamunuan ni Manila Mayor Josep Erap Estrada na gumawa ng bagong kautusan na susuporta sa naturamg resolusyon para itigil at muling pag-aralan ang nabanggit na proyekto.