Daan-daang Senior Citizen sa Isabela, Binigyang Pagpupugay!

49

*Cauayan City, Isabela- *Binigyang pagpupugay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ang daan-daang mga senior citizens dito sa ating Lalawigan.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni ginoong Romy Santos, media Consultant ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela kung saan dinagsa ng mga senior citizens ang Provincial Capitol ng Isabela para sa kanilang Elderly week na taunang ipinagdiriwang.

Bilang bahagi sa nasabing pagpupugay ay nagbigay paalala at inspirasyon naman si Isabela Governor Fuastino “Bojie” Dy III sa lahat ng mga anak na pahalagahan at irespeto ang kanilang mga magulang.

Ayon pa kay Santos, mula sa daan-daang dumalong senior citizens ay nabigyan ng tig-sampung libong pisong cash at groceries ang walong Centenarian mula sa Provincial Government ng Isabela at isang daang libong piso pa mula sa National Government.

Facebook Comments