Magsasaka na May Kasong 3 Counts of Statutory Rape, Natimbog sa San Agustin, Isabela!

*San Agustin, Isabela- *Natimbog na ng mga otoridad ang isang magsasaka na may kasong 3 counts of Statutory Rape at Top 7 Most Wanted sa bayan Roxas, Isabela matapos isilbi ang kanyang Warrant Of Arrest bandang 9:30 kaninang umaga sa Masaya Centro, San Agustin, Isabela.

Kinilala ang Top 7 Most Wanted person na si Lucas Camaddu, kwarentay kwatro anyos, isang magsasaka at residente ng brgy Muñoz West, Roxas, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng mga kasapi ng PNP Roxas si Camaddu sa bisa ng Mandamiento de Arresto na ipinalabas ni hukom Bernabe Mendoza ng RTC Branch 23 Roxas, Isabela dahil sa kasong 3 counts of Statutory Rape.


Nasa kustodiya na ng PNP Roxas ang suspek at walang nairekomendang piyansa para sa kanyang kinakaharap na kaso.

Facebook Comments