Aabot sa higit 150 na Vietnamese nationals ang pinalayas sa bansa ng Bureau of Immigration (BI) nitong buwan ng Marso.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, ang mga nasabing dayuhan na pinauwi ay pawang nadiskubre na nagta-trabaho sa illegal online gaming hubs.
Bukod dito, may 30 Chinese at 14 Indonesian nationals ang pinabalik din sa kani-kanilang bansa dahil sa pagta-trabaho nang iligal sa Pilipinas.
Sa datos pa ng BI, nasa 220 na mga foreign nationals na rin mula sa iba’t ibang bansa ang hindi pinayagan makapasok ng bansa at agad na pinauwi matapos malaman ang ilan nilang paglabag sa ilalim ng Philippine Immigration Act of 1940.
Bilang parusa sa mga foreign nationals na pinalayas, isinama na sila ng BI sa blacklist upang hindi na sila makabalik pa ng Pilipinas.