Daan na Tinibag ng Tubig sa bayan ng San Mariano, Aayusin na!

191

Cauayan City, Isabela- Pinaplano na ng DPWH 2nd District ang pagsasaayos sa bagong gawang lansangan na nasira dahil sa malakas na pagragasa ng tubig mula sa lagoon ng isang planta sa Brgy. Mallabo, San Mariano, Isabela.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Mayor Edgar Talosig ng San Mariano, maaaring hindi kinaya ng drainage ang lakas ng pagragasa ng tubig mula sa lagoon kaya’t bumigay ang nasabing lansangan.


Kanyang nilinaw na walang pananagutan ang kontraktor nito at under construction pa ito.

Dagdag pa ni Mayor Talosig, napuntahan na ito ng DPWH 2nd District at nakahanda na itong ayusin at lalagyan na ng permanenteng drainage.

Facebook Comments

From Advertisers