Daang-daang mangangalakal na apektado sa pagsasara sa Philippine Ecology Systems Corp., kinalampag ang DENR

Manila, Philippines – Kinalampag ng daan-daang mga scavenger ng Tondo ang tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources o DENR, kaugnay sa pagpapasara sa Philippine Ecology Systems Corp. o PhilEco.

Ayon sa mga scavenger, ang mga basura ng PhilEco ay labing dalawang taon nilang pinagkukunan ng ikabubuhay.

Pero mula ng ipasara ng ahensya, sila ay nagutom at nagkakasakit ang kanilang pamilya.


Natigil din anila ang pag-aaral ng kanilang mga anak.

Hiling ng mga scavenger kay DENR Secretary Roy Cimatu, na muling buksan ang PhilEco at payagan silang makakuha ng kalakal bilang kanilang pangkabuhayan.

Kasabay ang pangako na handa silang makipagtulungan na ayusin ang sistema ng pangangalahig para maampat ang umanong insidente ng pagtagas ng toxic reside at pagkalat ng tambak na siyang ginagamit ng DENR para magpataw ng suspension order.

Facebook Comments