Daang sako ng bigas, ipinagkaloob ng Peoples Medical Team sa GSKP

*Nagpaabot ng tulong ang Maguindanao Provincial Government sa pamamagitan ng Peoples Medical Team sa mga residenteng naapektuhan ng tensyon kamakailan sa ginawang opensiba ng military kontra mga taga suporta ng mga terorista sa Liguasan Area.*

*Sa impormasyong naiparating sa DXMY RMN Cotabato , 104 na sako ng bigas ang ipinaabot ng Peoples Medical Team sa mga residente ng General Salipada K. Pendatun.*

*Kabilang sa pinagkalooban ng 2 sakong bigas ang pamilya ng nasawing apat na buwang buntis na ginang , habang isang sako rin sa naging wounded na 14 anyos na lalaki.*
*Kaugnay nito nauna na ring nagpaabot ng ayuda sa mga naperwisyong sibilyan ang mga elemento ng military* .
Matatandaang libong mga residente na naninirahan malapit sa pawas area ang lumikas noong madaling araw ng June 10.
PIC:PMT


Facebook Comments