Manila, Philippines – Para kay Senator Sonny Angara, kumpara sa mga naunang panukala ay malaki na ang naging improvement ng Anti-Political Dynasty Bill na umuusad ngayon sa Senado.
Sa kabila nito ay nakakatiyak si Senator Angara na dadaan pa rin sa matinding debate ang Anti-Political Dynasty Bill.
Katwiran ni Angara, kailangang plantsahin kung paano ipapatupad ang panukala sa ibat ibang sitwasyon.
Paliwanag ni Angara, madaling idiskwalipika sa pagkandidato ang sinumang miyembro ng pamilya ng isang incumbent official.
Pero ayon kay Angara, paano kung wala namang incumbent family member ang dalawang o higit pang magkapamilya na planong kumandidato.
Ipinunto ni Angara, dapat may malinaw na mekanismo na magdidikta kung sino ang dapat kumandidato at sino ang dapat mapag-ubaya sa mga magkakamag-anak.